Inunahan na ng “Tililing” Director na si Direk Darryl Yap na hindi makikita ng mga manonood si Baron Geisler na sumigaw o magwala sa pelikula.
View this post on Instagram
Sa Digital Media Conference ng pelikula, pinaliwanag ni Yap na hindi mangyayari ang infamous “outburst” ng actor.
“This is the first time that you will see Baron again very calm in the lens,” banggit nito.
“Ito yung isang role na masasabi niyong—talagang ito yung isang role na hindi siya sumigaw,” dagdag pa ng direktor.
Ayon kay Yap, mula sa simula hanggang matapos ang pelikula ay walang maririnig “kahit simpleng sigaw” mula dito.
“Kaya sobrang na-challenge din si Baron to, you know, go back to his roots of natural acting. Sobrang galing na artista,”
At nang tinanong naman kung anong paghahanda ang ginawa ni Baron para sa pelikula ito an sagot niya.
“Natural lang, alam naman natin lahat yung pinagdaan ko. So, yun naiintindihan ko ang isang taong isolated sa realidad,”
Pinaalala din nito kung sino talaga ang bida sa pelikula.
“Ang superstar po namin dito ay ang story at mensahe,”
Sa March 5, 2021 sa Vivamax at mga sinehan mapapanood ang “Tililing” starring Baron Geisler, Chad Kinis, and Gina Pareño, together with Donnalyn Bartolome, Yumi Lacsamana, and Candy Pangilinan.
Para mag-subscribe, visit web.vivamax.net o i-download ang Vivamax app sa Google Playstore. P149 lang!
For more updates about Viva artists, follow Viva Entertainment on Facebook, Twitter, and Instagram.
Check out other stories:
- Viva Artists Sinubukan Ang #VivamaxDanceChallenge Sa Tiktok!
- Popular ’90s films Na Kung Naabutan Mo—Mag-Asawa Kana!
- Makakanood Ka Ng #Pornstar Sa Halagang P149 Sa Vivamax!
Facebook Comments