Kita naman ng fans ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang love at paghanga ng dalawa sa isa’t-isa.

Kung sa kusina naman ang usapan, na ngayon ay nagiging forte na ng dalawa, hands-off sila sa isa’t-isa!

“Hinahayaan ko lang siya magluto, ‘tas kakain nalang ako.” natatawang sagot ni Sarah na kilala na din sa fans as Mrs. Guidicelli.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mr&Mrs.G (@ashmattg)

Kwento din ng singer, ang natural na passion ni Matteo sa pagluluto ay siguradong nakuha nito sa Italian heritage nito.

Pero kung tatanungin si Sarah, ang pasta dishes ng asawa ang favorite niya.

“Talagang forte niya ay pagluluto ng Italian dish,”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

Kung siya naman ang tatanungin, Filipino dishes ang forte ni Sarah G!

“Ako naman po yung sa Filipino naman. Nag-reresearch ako sa Youtube kung paano ito gawin, especially nung lockdown po.”

Ayon sa singer ang YouTube ang nagsilbing teacher niya sa pagluluto ng mga dishes na hindi niya akalain ay magagawa niya.

Watch the full ‘Anong Ganap’ episode here!

For more updates about Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo, and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other AshMatt stories

Facebook Comments