Isang interesting na umaga ang ibinahagi ng magasawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ngayon sa social media. Pinakita kasi ng aktor gamit ang kanyang Instagram stories, ang farm nilang dalawa!

“Ranger Farm” ang tawag dito ni Matteo. Kita din sa clip na kasama nito ang asawa at ang kanilang adorable na aso na si 04. Maririnig pa na tawag-tawag ni Sarah ang alagang aso.

“Harvesting our fresh organic veggies this am at our Rangers Farm,” sulat ni Matteo.

Base sa clips malaki ang Rangers Farm at mayroon na agad itong mga tanim na halaman. Pero ngayong araw, ang tanim na Kangkong ng dalawa ang kanilang pakay.

 

Sa susunod na clip kita si Matteo na ginugupit ang ilang Chinese Kangkong. Biro pa nito na tumatanggap na sila ng “orders” sa farm.

“Ito yung organic na tinawatag!” proud na banggit ni Matteo sa mga pananim.

Certified Plant Tito and Tita pala talaga ang AshMatt!

For more updates about Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo, and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other AshMatt stories

Facebook Comments