Ang dynamic nila as husband and wife? Memorable!

@vivaartistsagency/Instagram

Love na love ng kani-kanilang fans si Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo… Pero together? They’re a beautiful couple at nakakaaliw tignan na magkasama!

Sa katunayan, simula ng naging mag-asawa ang dalawa. Favorite i-share ng kani-kanilang showbiz friends ang experiences nila makasama ang dalawa bilang magasawa.

@ashmattlovey/Instagram

Ang kilalang dermatologist nga sa bansa na si Dra. Vicki Belo ay may kakatuwang kwento tungkol sa dalawa:

“When I was with you, aliw na aliw ako kasi you really are like a young married couple. Tapos when I talked to Matteo lagi niyang kinukwento ‘yung dream namin magkaroon ng bahay pero kailangan namin mag-save,’” natutuwang kwento ni Belo noon.

@matteog/Instagram

Pero para sa fans na nakikita lang ang dalawa on-screen ang dynamic ng AshMatt bilang Mr. and Mrs Guidicelli, na-e-expose ang dalawa sa kanilang pag-go-grocery shopping!

Ngayon kasi, endorsers ng isang sikat supermarket store ang mag-asawa.

@matteog/Instagram

Sa latest project nga ng mga ito sa brand, obvious ang kanilang teamwork sa pag-grocery! May particular moment kasi sa 5 minute clip kung saan nakita ang pagiging maybahay ni Sarah.

Pinabawasan kasi nito ang apples na kinuha ni Matteo. Kahit anong pa-cute ng aktor hindi ito umubra kay misis!

“No. Bawas mo…” firm but sweet na sabi ni Sarah.

@ashmattlovey/Instagram

“The wife is always right!” nasabi nalang ni Matteo na ‘di nakatiis sa asawa!

Panoorin ang very wholesome moment ng dalawa below!

For more updates about Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo, and your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments