Kakaibang kilig sa fans nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo makapanood ng mga lumang videos ng dalawa, ilang taon bago isapubliko ng mga ito ang relasyon. Lalo na kahit sa mga lumang video na ito ay kita na ang chemistry ng dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

Tulad nalang ng Youtube video na ito kung saan nag-Go Kart date sila!

Back in 2013, sa episode ang “Popstar Diaries” nagpaka-adventurous ang singer at sinubukan ang Go Kart. At si Matteo, na kilala noon bilang isang kart racer, ang nagturo sa kanya!

Ang “Popstar Diaries” ay isang television show na sinundan ang professional life ng Popstar Royalty.

“Astig talaga. Astig talaga siya. What you see on stage she’s like that in real life. Very very brave woman,” kwento ni Matteo.

Kita at rinig din sa interview ang paghanga nito sa singer. At hanggang ngayon na sila’y magasawa na ay nandoon pa din ang paghanga nito.

Panoorin ang exciting Go-Kart date ni Matteo and Sarah here.

For more updates about Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about AshMatt

Facebook Comments