Down to its last few days na lang bago anng pinakaantay na online concert ni Unkabogable Vice Ganda ang “Gandemic: The GV-tal Concert” ngayong July 17, 2021 na!

Bukod sa mga pasabog performances at kakatawan na siguradong mayroon ang show, katakot-takot na guests din ang featured! Tulad ng comedians na sina Chad Kinis, MC & Lassy, Negi & Petite at marami pang iba.

Pero kung mayroon pang highlight ang show, ito ang pagbabalik ng tambalan ni Vice Ganda at Anne Curtis!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Na-miss talaga ng komedyante ang sister from another mother niya na si Anne na umalis noon sa bansa para ipanganak si Dahlia. Dahil na din sa pandemya halos 1 year ito nawala at ngayong taon lang ‘din nakabalik.

Hindi pa din nag-re-re-appear si Anne sa longtime noonshow na “It’s Showtime” kung saan kasama niya si Vice. Mangyayari ata ang comeback nito onstage sa concert ng kaibigan.

Kaya i-kondisyon niyo na ang inyong mga eardrums dahil si Anne, magbabalik na din sa pagkanta!

Natatawa nga nitong binalaan ang mga manunuod sa kaniyang reply sa isang tweet!

Siguradong kay Vice at Anne palang masisinok kana sa katatawa! “Gandemic: The VG-tal Concert” ngayong July 17 na! Tickets are still available at ktx.ph.

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments