Nagsimula na ang shooting ng pinakabagong pelikula ni Anne Curtis kasama si Marco Gumabao na Just a Stranger kahapon, February 10. Ito ay nasa direksyon ni Jason Paul Laxama na siya ding direktor ng blockbuster films na 100 Tula Para Kay Stella, at The Day After Valentine’s.

Nagsisimula pa lamang ang taong 2019 nang masayang i-announce ni Anne na siya ay nakatakdang gumawa muli ng pelikula.

Noong 2018, tatlong pelikula lang naman ang pinagbidahan ni Anne, ang Sid and Aya: Not a Love Story, Buy Bust, at Aurora. Lahat ng nasabing pelikula ay pare-parehas na tumabo sa takilya.

Para naman sa Just a Stranger, si Anne ay gaganap bilang si Mae, isang babae na may kakaibang sakit na fibromyalgia, na kung saan mas matindi ang sensations sa physical pain na nararamdaman kumpara sa normal na tao.

Si Marco naman ay gaganap bilang si Jericho. Makakasama nila sa pelikulang ito ang batikang aktor na si Edu Manzano.

Narito ang ilang update ni Anne sa kanilang unang araw ng shooting.

Anne 'Just a Stranger' 1

Posted by Viva Ent on Sunday, February 10, 2019

Anne 'Just a Stranger' 2

Posted by Viva Ent on Sunday, February 10, 2019

Anne 'Just a Stranger' 3

Posted by Viva Ent on Sunday, February 10, 2019

Abangan ang Just a Stanger at iba pang updates!

Samantala, abangan rin araw-araw sa It’s Showtime si Anne at si Marco naman sa Precious Hearts Romances Presents: Los Bastardos.

 

 

RELATED ARTICLES:

  1. EXCLUSIVE: Behind-the-scenes footage from Anne Curtis and Marco Gumabao’s super kilig look test!
  2. WATCH: Anne Curtis and Marco Gumabao’s upcoming movie, to be filmed in Portugal!
  3. Anne Curtis gives out Blackpink concert tickes to 34 lucky fans

 

Facebook Comments