Bukod sa kaniyang nakakatawang mga spiels, ay kilala ang komedyanteng si Vice Ganda sa kaniyang mga nostalgic na kwentong pangmasa bilang lumaki ito sa Tondo, Manila.

Isa na siguro ang recent Instagram stories ni Vice na talaga nakaka-hit ng nostalgia sa masang pinoy!

Mapapanood sa IG stories nito na sa shake na iinumin ay naghalo ito ng ilang pakete ng Mik-Mik sweetened milk powder.

Isang sweet powder treat ang Mik-Mik. Hindi na ito kailangan pa timplahin kundi hihigupin na lamang gamit ang straw na kasama sa isang sachet.

O kaya ihalo sa inumin tulad ng ginawa ni Vice!

Rinig din sa clip ang natatawang tanong ng partner ng komedyante na si Ion Perez.

Ayon dito na-miss nito ang mik-mik. Tinawag ni Vice na “Mik-Mik Shake” ang inumin.

May halo pang popsicle stick ang “Mik-Mik Shake” at biro pa ni Vice ay diet siya.

Hindi na katakataka kung na-try mo na din ang Mik-Mik shake!

For more updates about Vice Ganda and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Facebook Comments