Kung sino ‘man ang tanungin, siguradong lahat ay kilala si Andi Eigenmann, hindi lang dahil sa kaniyang apelyido, kundi dahil isa talaga itong kilalang aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)

Sino ba naman kasi ang makakalimot sa iconic roles ni Andi? Mula sa kaniyang karakter sa “Agua Bendita” hanggang sa ‘di malilimutan niyang pagganap sa “A Secret Affair.”

Hindi lang iyon dahil ilan sa mga karakter na kaniyang ginampanan ay nagpanalo sa kaniya ng mga awards abroad!

Sa Instagram stories kasi, binahagi ni Andi ang reaksyon ni Ellie at Lilo sa isang clip kung saan siya nakakuha ng Best Actress award.

Ang reaksyon ng mga ito? Wala.

Ang clip ay kuha sa 2018 Viva Film na “Maid In London” kung saan nanalo si Andi sa Manhattan International Film Festival ng Best Actress award para sa pelikula.

Ibinahagi din ni Andi na buong buwan ng Hunyo ay mapapanood ang mga pelikulang pinagbidahan niya. Ito din ang kaniyang birth month. Andi is to turn 31-years old this month!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pinoy Box Office (@officialpbo)

Ang adorable kung gaano walang kamalay-malay ang little island girls ni Andi Eigenmann kung gaano ito kasikat.

For more updates about Andi Eigenmann and other artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Andi:

Facebook Comments