Napa-trip down memory lane ang aktres.

@andieigengirl/Instagram

Wala makakatanggi sa glamourous past ni Andi Eigenmann sa showbiz. Matatawag na “Showbiz Royalty” pa nga ito dahil sa kaniyang mga magulang na kilala din sa industriya, sina Jaclyn Jose at Mark Gil.

Bago kasi ito namuhay ng simple sa Siargao, celebrated aktres ito na kilala sa kaniyang mga drama at fantaserye shows.

@chepoxz/Instagram

Una ang iconic niyang pagganap bilang bida at kontrabida, si Agua at Bendita, sa 2010 drama fantaserye na “Agua Bendita”.

At syempre, sino bang makakalimot noong siya’y naging “ahas” para sa 2013 show na “Galema: Anak Ni Zuma”! Sa katunayan, napa-throwback si Andi. Sa kaniyang Instagram Stories binalikan ng aktres ang taong ahas days niya.

8 years ago na pala ang show na dinirek ng namayapang direktor na si Wenn V. Deramas.

@andieigengirl/Instagram

Si Galema kasama ang kaniyang ama—Zuma!

@andieigengirl/Instagram

All out talagang pinakita ng aktres ang kaniyang makamandag na ganda.

@andieigengirl/Instagram

Ang Viva artist na si Matteo Guidicelli ang naka-pareha niya sa show. Sumikat noon ang tambalan ng dalawa na nag-simula sa Agua Bendita.

Fashion Pulis/Website

Bukod sa photos, isama din natin ang behind-the-scene clip na ‘to na binahagi ni Andi noon!

Ayon sa aktres, hindi niya tuluyang tinatalikuran ang pag-aarte na siyang naging malaking bahagi ng kaniyang buhay. Pero bilang mother of three, ang pagiging ina muna ang kaniyang priority.

Miss mo na din ba ang aktingan ni Andi?

For more updates about Andi and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Andi:

Facebook Comments