Sa unang pagkakataon, magtatambal para sa isang pelikula sina Xian Lim at Kapamilya star at isa ring sikat na vlogger na si Alex Gonzaga.

Kahapon, February 7 naganap ang story conference ng kanilang pelikula na may working title na “Love The Way You Lie.” Gagawin ito sa direksyon ni RC Delos Reyes na siya ring direktor ng Metro Manila Film Festival entry na Mary, Marry Me. Pinagbidahan rin ito ni Alex at ng kapatid niya na si Toni Gonzaga.

Ayon sa direktor, adult-comedy ang pelikulang ito na may kasamang naughtiness at sexiness.

Ang dalawang lead actors naman ay mukhang hindi na nangangailangan ng adjustments dahil ayon kay Alex, mabuti silang magkaibigan ng girlfriend ni Xian na si Kim Chiu.

“Friend ko si Kim. Lagi kong nakakasama. Parang may affiliation kami ni Xian sa isa’t isa. Hindi kami strangers,”

Ayon naman kay Xian, ay madali talagang makasundo si Alex.

Aniya, “Ang maganda sa personality ni Alex, the way she is, parang basag na kasi agad yung wall.

“Kung meron mang wall, binabasag niya agad. Kapag may nararamdaman siya, binabasag niya agad.”

Excited na ba kayo para sa project na ito? Ibahagi ang inyong sagot sa comments!

Samantala, showing pa rin in cinemas nationwide and pinakabagong pelikula ni Xian kasama si Louise delos Reyes, ang Hanggang Kailan?

 

 

RELATED ARTICLES:

  1. “Hanggang Kailan?” stars Xian Lim and Louise Delos Reyes play ‘Would You Rather’!
  2. Xian Lim and Louise Delos Reyes reveal their unforgettable moments in Japan!
  3. MUST-WATCH: Xian Lim and Louise Delos Reyes guess each other’s body parts!

 

Facebook Comments