Nakakaloka ang mga fan edits!

@ajravsss/Instagram

Sa kaniyang pagiging aktibo sa social media, halata na bet na bet ni Aj Raval ang interaksyon niya sa mga fans.

Bukod kasi sa kaniyang pag-stream ng popular na online games sa kaniyang page, aliw din itong nag-share o comment sa mga kalokohan ng fans na nakakakuha ng kaniyang atensyon.

@ajravsss/Instagram

Ang mga fans din naman kasi ang tumatangkilik sa kaniya ngayon, kaya nga, ito na ata ang magmamana ng “Pantasya Ng Bayan” na pagkakakilanlan soon!

Sa aktibong activity ng fan sa kaniyang page, gumawa ng masayang game si Aj para sa fans.

@ajravsss/Instagram

Sa kaniyang recently created post, nag-announce si Aj ng isang edit photo contest para sa fans. Sa binigay na litrato ng aktres, kailangan magpagalingan ang mga ‘to kung paano sila tatabi sa aktres. Ang may pinakamagandang edit ang mananalo!

“Grabe yung ulan, pang cuddle weather. 🥺 Gusto mo tabi tayo?” sulat pa ni Aj sa post.

Aj Raval/Facebook

Bumaha na ang ang entries mula sa mga netizens. At ang mg edits? Nakakaloka at nakakatawa talaga! Heto ang ilan sa kanila:

Nakatitig nalang ang netizen na ‘to!

Justine Terrado/Facebook

Ginawa namang family picture ng netizen ang photo.

Morino Mayao Esmeralda/Facebook

Very boyfriend and girlfriend naman ang edit ng netizen na ‘to.

Ocir Sairac Etnavarga/Facebook

Ride and die naman ng netizen na ‘to ang aktres.

Depi Bautista Starita/Facebook

Aliw diba?

Mapapanood naman ngayon si Aj sa Vivamax. Soon naman sa platform ang next film ng aktres kasama si Andrew E. ang “Shoot Shoot” ngayong October 8 na!

For more updates about Jela, Angeli, AJ, and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories

Facebook Comments