Isa na talaga ngayon ang Viva artist at VMX Crush na si AJ Raval sa mga sikat at pinaguusapang artista sa panahon ngayon.

@makeupbyrhina/Instagram

Kaya nakakagulat na ang kaniyang co-star at mismong leading man na si Wilbert Ross sa newest film na mapapanood sa Vivamax, ang “Crush Kong Curly” ay immune sa charm ng aktres!

Ito kasi ang sagot ng 24-year-old na binata sa tanong ng press sa media con ng pelikula.

Ayon sa aktor, kita niya ang qualities ng aktres, pero hanggang doon lang siya sa co-star. All good at propesyonal ang dalawa lalo na sa mga eksenang pinagsamahan nila sa pelikula.

@hashtag_wilbert/Instagram

“The way na nag-shoot kami doon mismo sa movie as in sobrang cool lang namin. Like sa lahat ng scenes.” dagdag nito.

Napatanong pa si Wilbert kay AJ kung nakaramdam ito ng iba sa pakikitungo ng aktor sa kaniya. Agad na “Wala naman” ang sagot ng aktres.

@hashtag_wilbert/Instagram

“Kasi sobrang cool lang ng bonding ng friendship namin ni Wilbert. Parang wala naman na ganoon.” paliwanag at reaksyon naman ni AJ. 

Ito na ang pangalawang beses na nagkasama ang dalawa sa pelikula. Kung matatandaan,  nagkaratrabaho ang dalawa sa Vivamax film ang “Shoot Shoot”.

Kaabang-abang ang tambalang AJ at Wilbert sa ang “Crush Kong Curly” pero IRL, wholesome friendship ang dalawa!

@wrteamonlineofficial/Instagram

Ang “Crush Kong Curly” streaming na ngayong December 17, 2021 sa Vivamax. P149/monthly lang kaya subscribe na!

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments