Kinilala sa 51st Guillermo Mendoza Box Office Awards ang husay at galing sa pag-arte ng inyong favorite VIVA stars!

 

Itinanghal na Box Office King and Queen of Philippine Cinema sina Aga Muhlach at Xia Vigo, para sa kanilang performance sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na “Miracle in Cell No. 7” na siya ring top grosser!

 

 

Pinarangalan bilang Film Actor of the Year si Aga Muhlach para sa outstanding performance niya bilang si “Lito” sa Philippine adaptation ng “Miracle in Cell No.7”

 

 

Kinilala naman si “On Vodka, Beers, and Regrets” star Bela Padilla bilang Movie Suppporting Actress of the Year, para sa mahusay niyang pagganap bilang Yesha sa “Miracle in Cell No.7”!

 

 

 

Most Promising Female Star for Movie naman ang singer/actress na si Kim Molina! Ngayong February 14, mapapanood niyo na sa Netflix ang husay ni Kim sa pelikulang “Jowable”.

 

Itinangghal naman bilang ang “FPJ’s Ang Probinsyano” leading lady na si Yassi Pressman bilang TV Supporting Actress of the Year!

 

Lastly, naiuwi ng “Miracle in Cell No. 7” cast ang Best Acting Ensemble in a Movie para sa kanilang nakakaantig na pagganap sa 2019 MMFF hit!

 

 

Congratulations to our talented and outstanding VIVA stars! We are so proud of you!

 

 

Facebook Comments