Isang tulog nalang ay mapapanood niyo na ang psychological, erotic thriller na “ADAN” na pinagbibidahan nina beauty queen turned actress Cindy Miranda at Rhen Escaño. Inaabangan na ang matapang na kwento ng pelikula at ang mapangahas na mga karakter nito.

Instagram / realrhen

Gumaganap si Rhen bilang si “Ellen”, ang dalagang taga barrio na gustong makawala sa sa kanyang mahigpit na ama. Tutulungan siya ng kanyang matalik na kaibigan na si “Marian”, na ginagampanan naman ni Cindy. Love, lust, and lies ang tema ng pelikula, na ipapakita ang espesyal na pagmamahalan nina “Ellen” at “Marian”.

Instagram / realrhen

Hindi lamang sa pelikula kapansin-pansin ang ganda at malakas na dating nina Cindy at Rhen!

Instagram / realrhen

Exciting na makita ang dalawang leading ladies na ito na ipakita ang ibang anggulo ng kanilang personality, sa pagganap sa kanilang roles sa “ADAN” na hindi pagkaraniwang ginagawa ng ibang aktres. Insaasahan ang mapangahas na pagganap nina Cindy at Rhen sa pelikulang ito na isinulat ni Yam Laranas at directed by Roman Santillan Perez Jr.

Instagram / cindy

Mas kilalanin pa sina Cindy at Rhen!

Watch the beautiful and sexy “ADAN” stars as they answer frequently asked questions on online dating sites, in the video below:

 

Panoorin ang full trailer ng “ADAN” below:

“ADAN” is showing on November 20 in cinemas nationwide!

Facebook Comments